Sumabog ang naiwang bote ng alcohol sa loob ng kotse sa isang warehouse sa Cainta, Rizal nitong Linggo.
Kwento ng online seller na si Joyce Ann Canlas sa ABS-CBN News, naiwan ng kaniyang nobyo ang alcohol sa loob ng kotse sa passenger seat. Nataon naman na walang lilim sa lugar kung saan nai-park ang sasakyan.
Basag ang salamin ng sasakyan at may nakita ring mga sira sa upuan at bubong nito.
Nagpaalala naman ang Food and Drug Administration of the Philippines na sundin ang mga babala sa dapat na kalagyan ng mga bote ng alcohol.
Anila, karaniwang nakasaad sa mga precaution sa mga bote ng alcohol na dapat ay nakalagay ito sa lugar na may hindi lalampas sa 30 degrees Celsius na temperatura. Ulat ni Josiah Antonio, ABS-CBN News
BASAHIN DITO ang buong ulat: https://bit.ly/3cDcY1I
Post from ABS-CBN News.





